Payong Kapatid? Sen. Imee Marcos, pinayuhan si President-elect BBM na kumuha ng ‘pinklawan’ sa administrasyon niya
Pinayuhan ni Sen. Imee Marcos ang kanyang kapatid na si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kumuha din ng mga parte ng oposisyon sa kanyang gabinete.
Sa panayam sa kanya sa radyo nitong Mayo 28, sinabi ni Sen. Imee na maaring matupad ang ‘unity’ na isinusulong ni BBM kung kukuha rin ito ng mga magtatrabaho sa kanya na hindi nila kapartido.
“Ngayon, lahat kami todo submit ng pangalan para maipasok at marami sa mga nire-recommend ko sinasabi ‘yung dilawan, pinklawan,” wika ni Sen. Imee.
Hindi naman ibinunyag ni senador kung sino nga ba ang mga ‘pinklawan’ na nasa listahan nila para magtrabaho sa ilalim ng susunod na administrasyon.
Makikita naman daw na hindi lahat ng pinipili niya ngayon sa kanyang gabinete ay mga kaalyado niya.
“Sa totoo lang, ang technocrat wala yata sa katawan, wala sa dugo ang politika, Marami sa kanila walang kulay na politika. Yung iba sabihin na natin na hindi kakampi noon, eh wala naman masama i-recruit kung talagang magaling,” aniya.
Matatandaan na isa sa mga napili ni Marcos na magtrabaho sa kanyang gobyerno ay si incoming Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na dati naring nagtrabaho sa panahon ni dating pangulong Noynoy Aquino.
Napabalita rin noon ang pagkasama sa listahan ni Marikina Rep. Stella Quimbo bilang susunod na Finance Secretary ni Marcos na ngayon ay nakuha na ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.
Samantala ay ilang netizen naman ang hinihimok si Marcos na kunin ang pinakamahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa gabinete.
Payong Kapatid? Sen. Imee Marcos, pinayuhan si President-elect BBM na kumuha ng ‘pinklawan’ sa administrasyon niya
Reviewed by Pinoy Trends
on
May 28, 2022
Rating:
No comments: