Sapak sa Mukha? Prof. Clarita Carlos nagalit sa mga mag-walkout classes “Paano kung si Sara Duterte ang susunod na presidente?”


May maanghang na mensahe si retired University of the Philippines (UP) professor Clarita Carlos sa mga estudyante na binabalak mag-walkout classes sa buong administrasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa panayam sa kanya ng SMNI, sinabi ni Carlos na wala siyang nakikitang problema kung piliin ng mga estudyante na huwag pumasok ang mga estudyante.

Nagbanta narin daw ang ilang grupo ng mga estudyante na magwo-walkout sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Edi mag-walkout sila, karapatan naman nila ‘yun.” sabi ni Prof. Carlos.

Pero ayon sa kanya ay hindi daw tatalab sa klase niya ang mga ginagawa ng ilang estudyante.

“Tatlong beses kang mag-absent out ka na, hindi mo na kailangan mag-drop. Ida-drop na kita automatically kasi ibig sabihin tatlong beses kang nag absent nine contact hours ang iwinala mo, napakahaba yang nine contact hours,” sabi ng propesor.

Tanong niya rin sa mga estudyante, ano ang gagawin ng mga ito sa loob ng anim na taon na hindi sila nag-aaral.

“Kung mag-walkout ka, eh ‘di mag-walkout ka. Kailan ka babalik sa klase? Eh  ‘di maghintay ka ng anim na taon. Mag-construction worker ka muna diyan hanggang anim na taon,” ani Carlos.

“Eh, paano ngayon kung si Sara Duterte ang susunod na presidente? Eh ‘di 12 years mong ipo-postpone ‘yang pag-aaral mo,” dagdag niya pa.

Matatandaan na ilang student group ang hinimok ang mga estudyante na huwag pumasok sa kanilang mga klase habang si Marcos ang pangulo.

“No classes udner a Marcos Presidency. UP Students, Walk out!” sigaw ng UP Office of the Student Regent.


Sapak sa Mukha? Prof. Clarita Carlos nagalit sa mga mag-walkout classes “Paano kung si Sara Duterte ang susunod na presidente?” Sapak sa Mukha? Prof. Clarita Carlos nagalit sa mga mag-walkout classes “Paano kung si Sara Duterte ang susunod na presidente?” Reviewed by Pinoy Trends on May 28, 2022 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.