May giyera ba? Mga Netizen sobrang ang pagtataka ng makita ang Watawat ng Pinas sa LED, baligtad


Nakapukaw ng pansin sa isang netizen ang LED billboard sa kahabaan ng EDSA na pinapakita si president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ang napansin ng Reddit user na si ‘Jajauno’ ay hindi ang mukha ni Marcos, kundi ang background nito na watawat ng Pilipinas.

Baligtad kasi ito.

Makikita sa video ni Jajauno na sa watawat na nasa LED, ang kulay pulang bahagi ay nasa kaliwa.

Ayon sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, kapag pinosisyon ang bandila ng Pilipinas nang patayo, ang asul dapat ang nasa kaliwa at ang pula ang nasa kanan.

Nakasaad sa batas na kung ang pula ay nasa kaliwa, nangangahulugan ito na ang bansa ay nasa digmaan. Ang pula ay simbolo ng katapangan habang kapayapaan naman ang asul, sa watawat ng Pilipinas.

Napansin din ng ilan pang Reddit user na baligtad ang kulay ng watawat sa LED. 


May giyera ba? Mga Netizen sobrang ang pagtataka ng makita ang Watawat ng Pinas sa LED, baligtad May giyera ba? Mga Netizen sobrang ang pagtataka ng makita ang Watawat ng Pinas sa LED, baligtad Reviewed by Pinoy Trends on May 28, 2022 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.